mas komplikado

badtrip.
badtrip to the nth power.

heto ang climax ng gabi ng bertdey ni miss mangaroo..
may tumawag.. kras ni donna. may house party ding kinasasadlakan ang tinamaan ng magaling na caller – kung saan ay di mawari kung seryoso o masabi lang.. na inimbita naman si donna, sus! eh yun nga lang ay medyo komplikado ang sitwasyon. pero kung hindi ay di sya magdadalawang salita dahil kahit pakitang ek-ek lang ang pangungumbida nya ay patolang tunay sya kay donna. kumbaga ay grab any opportunity na ang dramahan.. kras nga eh.. ok lang?! pwede naman siguro lumandi di ba?! whuahahahahaha!

katulad nga ng nabanggit, kasagsagan ng party ni miss mangaroo ng tumawag ang magaling. sa kilig ni donna sa hindi inaasahang pagtunog ng selpon ay agaran niyang sinagot ito habang lumalakad ng pang-walkathon palabas ng bar upang kahit papaano ay magkaintindihan sila ng kausap. *kahit paano – meaning, wala ding kasing ingay ang background ng kabilang linya dahil na din siguro sa mga lasing na tropang walang pakundangan kung nakikipag-usap man sa phone ang isa sa kanila. syet! pero hindi yun nakabawas bahagya man sa kilig na nadarama ni donna ng oras na yon.

diosa : o.. napatawag? (kunwaring wapakels)
caller : wala lang.. jan pa din kayo the gate? (wala talagang pakialam)
diosa : oo eh.. haha.. musta jan? sinu-sino kayo?(fishing..)
caller : eto, inom haha.. yung dati pa din.. sila #$%, #$%, *&^%, #$%^ lang.. (wala talaga)
diosa : ahh.. ang ingay na jan ah.. wala na ako maintindihan.. (may kasama ng panghihinayang yung kilig)
caller : haha.. sige, text-text na lang.. ayt? enjoy! (wala)
diosa : sure. sure. enjoy. (lungkot!)

takte, tumawag pa.. pero ganon pa man ay napaligaya nya ng uber ang diosa (pansinin ang name change). tumagal din ng dalawang minuto impeyrnes. *ahihi.. hindi lang naman yon ang naging diyalogo ng kabuuang usapan.. yun lang yung walang kwentang ikwento.. kasi yung iba pa.. mas walang kwenta.. ‘gang ngayon nga di mawari ng diosa kung bakit nga talaga tumawag yun eh.. *wanapakels, ang mahalaga, napakilig nya ako saglit. bwuahahahaha!!

maya-maya pa ay manaka-nakang nagtetext na ulit ang dalawa.. usapang after party na.. na pwedeng dun (sa bahay ni caller) mag-after party ang diosa bitbit si tata at si pogingjello. ok na. heto ngayon ang komplikasyon. biglang nagtxt ang bespren ni donnang heartbroken na si jeigh. pasado alas-dos ng madaling araw. nasa calleza grill daw sila sa antipolo.. (sa taytay nga pala yung party ni katrina mangaroo) kasama si xtian na bespren din nya.. kesyo asan daw ako, help daw.. hindi sa ayaw damayan ni donna ang bespreng nagdadalamhati at nakalugmok sa banig ng kalungkutan, pero kasi alam nyang mauunawaan sya nito pag sinabi niyang lalandi muna sya.. basta yon! syempre, kadaldalan ni donna (name change na ulit) ipinakita kay tata at kay jello ang txt ni bespreng heartbroken na si jeigh. biglang nagbago ang isip ni pogingjello kasabay ng pagbabago ng pangalan papuntang TITOJELLO.

HINDI KA PUPUNTA SA $%^&$%^. KAY JEIGH TAYO PUPUNTA.

ano?!
bakit?!
kala ko ba ok na?!
paano nangyari yun?!
pumayag ka na na dun tayo after tas..?!

tanong : san natuloy sina DONNA, tata, at TITOJELLO?
sagot : sa CALLEZA GRILL. kay jeigh.

anong nangyari sa after party sa $%^&$%^ na bahay ng kras ni donna? WALA.
reaksyon ni tata sa lahat ng ito : buti na lang wala akong kapatid.

oras ng uwi : umaga. linggo. pasado alas singko ng madaling araw.

Mag-iwan ng Tugon