zit

di makaalis ng bahay si donna kahit nga ang pagpunta sa sari-sari store sa tapat ng bahay nila ay nagdalawang-isip pa sya kung susundin ang utos ni mommyreyna na bumili ng segunda manong asukal magmiminatamis na saging kasi para sa meryenda.

ito ay sa kadahilanang..
may isang madapacking syet ang walang pakundangan na tumubo sa ibabaw ng napakagandang pares ng labi ni donna!

whuahahahaha!!

lam naman ng lahat na puyat si donna..
well well well..
lagi naman kasi syang puyat!
kaya lang..
ngayon lang siya napuyat ng walang halong alcohol at kape sa sistema.. dati, sakto lang. keri pa.
kung tutuusin, pagpuyat sya sa inuumagang inom ay mas maganda pa sya paggising kesa sa pagkumpleto yung tulog nya!

yun ba?! yun ba ang dahilan?!
yun lang ba?!
dapat ba may kasamang alcohol at kape pagnagpupuyat?!
huh! geh, sa susunod!

badtrip talaga!

*teka, inlab ba si donna?!
**di ba tinutubuan din yung mga inlab?

***toinks!

ang mag-react echoserang palaka! joke kasi yon!

****bago yun pag na inlab ulit si ate dons!! bwuahaha!!

Mag-iwan ng Tugon