aybol : eyeBall : meet up : hala!

lam nyo na ‘tong aybol-aybol na ‘to.
sa mga mgttxtm8s tumodo ang pagkauso nitong lintek na aybol-aybol na ganito. nagkakaso pa nga dati di ba? yung rape-rape na ganyan na nagsimula sa aybol kuno. heniweys..

si donna, nagkaroon ng constant caller noong katorse anyos pa lang sya na hanggang ngayon ay hindi nya mapagtanto kung paano sya nakilala at nakuha ng tinamaan ng magaling na lalakeng taga-teresa (daw) ang numero ng telepono nila. katapus-tapusan at dahil sa natural na kyuryosidad, napapayag syang makipagkita nitong taong ito sa kondisyon na sila ay magkikita sa harap ng sari-sari store ng kaibigang matalik noon ni donna. o di ba.. bata pa lang play safe na ang donna.. adik talaga.. di man nagdo-droga, tamang hinala na. tsk.

ang nangyari sa oras ng pinakahihintay na aybol..
hindi pinaalis ng bahay si donna ni mommyreyna.. lakas talaga ng pang-amoy ni mommyreyna.. wala naman syang alam tungkol sa aybol-aybol na magaganap di pa pumayag! ampness.
kaya’t ang bespreng tunay ang napilitang kumilatis sa kakatagpuing caller ni donna.
ang siste, habang kaharap at pinagbibilhan ng softdrinks ni bespren itong si caller ay magkausap sila ni donna sa telepono kaya’t blow by blow ang deskripsyong natanggap ni donna base sa nakikita at panghusga ni bespren.

to cut the story short.. namatay ang magbespren sa katatawa (sa telepono pa lang gumugulong na si donna sa bahay nila dahil sa karimarimarin na pag-uulat ni bespren at habang iniisip nya ang ginagawang pagpipigil nito sa pagbunghalit ng tawa sa harap ni caller tas nagagalit pa sya sa telepono dahil hindi nakatulong ang mga halakhak ni donna para mapanatili ang kanyang poker face sa harap ni caller habang sinasabing iindyanin sya ni donna dahil sa hindi masabing kadahilanan)

pagkatapos ng pangyayaring yon, wala ng gana si donna na magpauto sa mga kalakohang aybol na yan.. isa sa mga makabagong beauty tip na matagal nya ding sinunod ang hindi pakikipag-aybol dahil sa malaking posibilidad na kunsumisyon ang idudulot nito sa isa sa mga partido.

kamakailan.. dahil di alam kung paano isusulat ang tumpak na araw kaya kalagitnaan nitong nakaraang linggo at lunes 12am/0000hrs, monday nang mapagkasunduan nila ng bagong kaibigan na magkita. opo, alas dose ng hatinggabi ito.

sinundo sya sa bahay bago tumuloy sa bahay ng sumundo.. (para lang ‘tong bugtong, hiluhan) umuwi ang diosa (pansinin ang pagbabago ng pangalan, from donna to diosa. amp.) bukang-liwayway.

di maihahambing sa naunang kwento ang nangyari sa aybol na ito. dahil simula ng sinundo nila ang diosa sa bahay ay walang anumang ilangang naganap sa alin mang partido, katunayan ay muling napatunayan kung gaano kaliit ang mundo (dahil kasi sa kalalaro ng poker sa facebook kaya nagkasalabid ang landas nila nitong si.. wala pang maisip na ipangalan eh na akalain mong taga-antips din pala.. ang galing.. sa dinami-dami ng tao s facebook.. amp.) dahil sa ang ilan sa mga kaibigan nya ay kaibigan din ng ilan sa mga kaibigan nila ni pogingjello *hilo-ness*. isa siguro yon, bukod sa pagiging magkalugar – kabilang street lang bahay nila!, kaya swak sa banga ang naging inuman ng umagang yon.. **tingin ko lang ha.. ahihihi

hay.. iniiwasan sanang banggitin ang isang malupit na bagay kaya lang ay nakapost na ang mga reaction ng maraming tao sa facebook kaya isisiwalat na din dito.. ang taong naka-meet up ng diosa ay napag-alamang kaklase ni pogingjello noong prep sa mother goose! whuahahahaha.. imadyinin na prep sila, si donna (change name again..) grade4 na! advance ako nag-aral sorry.. at same school! hail, mother goose montessori..

whuahahahahahaha.. nakakalurkey ng bonggang-bongga!
si donna ay destined yata talagang maging ate ng lahat ng kanyang mga kaibigan.. maging ng mga bagong kakilala.

madapacking syet!

Mag-iwan ng Tugon