lasinggerang diosa
naalimpungatan si donna sa tapik ni mommyreyna humigit-kumulang alas kwatro ng hapon.
mommyreyna : bebe, gising ka na.. magbeakfast ka naman..
donna : hmmmm
mommyreyna : bebe, kain ka muna..
donna : hmmmm
pagkalipas ng sampung minuto, tumayo na din si donna.
mommyreyna : o! gising na ang bebe girl ko..
donna : good morning! *ngisi*
paano ba naman, naghiwa-hiwalay silang magkakaibigan eh alas-sais na ng umaga kanina.
ano pa bang dapat asahan? bagong gawa yung kubo dito sa gilid ng bahay.. syempre, may binyagang magaganap.. ayon.. napasarap ang naturang binyagan, inumaga!! at dahil ‘napadaan’ daw itong si jeigh at dahil tila babangungutin sya pag di nakatikim ng umuusok na kape ay nagkape pa ang lahat bago magsi-uwi.
sabi kc ni pogingjello nung pagdating galing trabaho kahapon, dadating daw si papajonie-slash-don2 ng alas otso y medya, katapus-tapusan nagdatingan sila ng pasado alas nuebe ng gabi. walang pag-aalinlangan o bahagya mang pangingimi na agarang bumili ng mga kakailanganin kaya walang naging delay. *parang meeting lang noh?*
isa ang nakaraang gabi sa sobrang sarap na inom na pinagsaluhan ng grupo dahil sobrang healthy ng naging conversation.. dahil walang :
maarte
emo
pikon
mayabang
pasikat
epal
magaling
lasing
pakyut
pogi
malakas sa pulutan
bumabangka
nag-away
malakas sa chaser
puro wento-la naman wenta, na siyang kadalasang meron sa mga inumang napuntahan na ni donna.
*oo, madaming madami na syang napuntahang inuman kasi :
a.) madaming madami syang friends.
b.) tambay sya, at walang ibang ginagawa
c.) panata nya ang pag-iinom
d.) akala nya nakakaganda ito
e.) naghahanap sya ng mapapangasawang lasinggero
f.) gusto nyang mapuyat para pumayat *rhyme*
g.) hindi sya marunong tumanggi
h.) gusto nyang pagtripan yung mga emo pag-lasing na
i.) sumasagap sya ng tsismis sa mga lasing
j.) para maglaro ng category game at 7up!
k.) para sumulsol sa mga mag-aaway na lasing
l.) may rason para humingi ng tawad sa higher up *sorry po..*
m.) lahat ng nabanggit
**sagot : ano ba?!
ayun nga, ang mga kasamang nag-inom kagabi :
1. pogingjello
2. donna / diosa
3. papajonie-don2
4. bebe-girl-yonx
5. gelaipot-b2
6. kenpot-b1
7. bebe-boy-jeigh na bespren pala talaga ng diosa
extra (sa txt) : b0ss_chief (nagparamdam bandang 4.26am)
**na-miss ang diosa nya eh.. senxa!
nawa ay maulit muli ang ganitong uri ng pagsasalo-salo at inuumagang inuman sa lalong madaling panahon kasama ang iba pang dapat ay kasama. ipagpaumanhin kung walang balak pangalanan ng may akda ang mga ito. whuahahahaha.. hulahulaan na lang.
24/06/2009 Sa 18:13
mag enjoy ng mag enjoy hanggat kaya basta wag lang sosobra ng 24 oras ang inuman
dumaan at nakibasa ng ilang posts mo. ingat!
25/06/2009 Sa 15:19
enjoy.enjoy. tama.
maraming salamat sa pagbisita.