fu*cking taxpayers

Posted in Uncategorized na may mga marka , , , , , , on 08/02/2010 by zoyks

dahil nga sa ang trabaho ni donna sa city hall ng antipolo ay kaakibat ang humarap at tumanggap ng bayad sa mga mabubuting mamamayan na may konsensyang magbayad ng buwis eh iba’t-ibang klase ng nilalalang ang nakakaharap nya sa araw-araw.

ang mga matatapang na magagaling na mga nagmamagandang mga taxpayer na akala mo sila ang nagpapakain sa angkan ng lahat ng taong gobyerno na kung mga makaasta eh akala mo kung sino.. isa lang ang masasabi ng donna sa kanila..

pakyu ol!!

lecheng mga nagbabayad ng buwis yan.. buwiset talaga!! para lang sa kagustuhan nilang sila ang mauna sa pila?!buti sana kung wan-on-wan lang kayo kung mag-usap.. eh hindi. para silang mga nago-audition sa starstruck/american idol kung bumirit ng litanya with matching kumpas ng buong braso, taas ng kilay, paiba-ibang timbre ng boses kahit pa sabihing boses echusereng frog na bisakol sya at buong sangkatauhan eh siya na lang ang pinanonood eh talaga namang performance level ang mga ito.

buwiset!!!!!

kaasar talaga!
partida, sa katabing teller lang nya ito nangyari.
imadyinin nyo na lang kung kay donna naganap ang ganito.. whuahahahaha!!

tiyak, labu-labo. isusumbong sila ni donna kay amanghari.

ten to one

Posted in Uncategorized na may mga marka , , , on 04/02/2010 by zoyks

oras : sampung minuto bago mag-ala-una

sampung minuto bago mag ala-una ng tanghali sa opisina at heto ang donna ngiinternet pa. wulangya aman kasi, sira ang tinamaang ng magaling na bangkahahaytek na computer nya kung saan nakasalalay ang lahat ng trabaho nya.

tanong : ano ang ginagawa nya ngayon?!
sagot : wala aman..

kung hindi pa manghaharbat ng trabaho ng may trabaho eh maghapon lang syang tutunganga.. hayz! dream job ini.. inggit kayo noh? whuahahaha

ibang-iba itong nakaraang linggo sa umpisa desyembre noong nakaraang taon gang enero taong kasalukuyan. kung nung desyembre mamataymatay sya sa kaka-issue ng cedula, eh ngresibo naman sya ng para sa business tax nitong pagpasok ng enero. wow.. tunog importanteng tao sa opisina ano? whuahahaha..

naku ang bangkaaaga naman magbukas ng ilaw dito sa kabilang opisina.. kailangan na lumayas ni donna at bumalik sa pwesto niya.. tapos na ang nakaw na pakiki-internet.

geh, gang sa muling pagnanakaw na lang ng oras..

wala. nagutom na lang..

Posted in Uncategorized na may mga marka , , , , , , , on 30/01/2010 by zoyks

taenang shit.

bandaming gustong isulat ni donna.. nagrarambol sa utak nya.. tae. gang ngayon di nya maharap! buxet lang.. toxic sa trabaho.. problema pera, ultimo yung mga bespren ko jan eh hindi mahagilap.. asus!! ewan.

tatlo yung major kwentos pero dalawa lang siguro yung masusulat dito.. kasi yung isa hindi pang internet ang tema. baka ma-ban pa ‘tong adersayd.. di na uy! ahahaha.. uy.. nag-isip!

whuahahahaha

syet. gutom na ang donna. lalong ayaw gumana ng isip.. badtrip talaga! kung kelan kailangan ng tagapakain, ngayon naman ata nagka-shortage! tsk. nung isang araw tinatawagan pa ang diosa para lang sabihin na magla-lunch na minsan namang bigla-bigla na lang nagdadatingan na tila mga galit pa pag di mo kinain yung bigay nila kahit sobrang bundat ka na sa kabusugan!! harrroooooo!!!

mga utot nyong blue!!
lech.

tas ngayon may txt sabi ba naman..

kung pwede lang kita batuhin ng double cheese burger ginawa ko na

inatake lang ng bahagyang hiya pero sasagutin sana ng

tagal!

haroo.. gutom ito!!

soon..

Posted in Uncategorized on 30/01/2010 by zoyks

wala pa.. soon nga eh!

ma-iba.. TAYA!

Posted in Uncategorized na may mga marka , , , , , , on 05/12/2009 by zoyks

parang tanga lang ‘tong elimination round ng mga bata-batuta pag naglalaro ng kahit anong laro maliban na lang yata sa jackstones at pick-up sticks.

di ba magbo-bolt-in sa gitna ng kalsada yung mga uhuging chikiting tas sisigaw ng sabay-sabay ng.. ma-iba.. TAYA! tas biglang takbuhan ng umaatikabo habang yung naibang TAYA ah natutulala na lang bigla kaya hindi agad nakakapanaya.

may teknik ng pandurugas sa round na ito. di ba at nagsasanib pwersa yung lahat ng mumunting kamay sa gitna ng lahat tas parang mabilisang tingin at survey lang naman ang nagaganap bago biglang magpupulasan ng takbo at turuan ng kung sino ang taya.. dapat, alert ka! pagkabitaw ng kauna-unahan at pinakamapwersang ma-iba.. TAYA!, sanhin ng kumpleto pa ang lahat ng players, ay agad ka ng makikipagkagulo sa sigawan at talunan ng mga may kalakihan at medyo mas may-edad at mukhang magugulang na mga kalaro. sa paraang ito kasi ay kakaunti lang o madalas na wala talagang umaapila sa desisyon ng mga kupal na kalaro lalo pa nga at marami sila.

marami ang basta na lang umo-oo.
iilan lang ang umaapila.

san ka?

si donna nung panahong nasa kolehiyo sya ng umpisahang makipaglaro nito – adult version – sa mga ka-organisasyon. nung una, sakto lang, parang expectator lang.. walang kaalam-alam na kahit pala nasa gilid ka ng kalsada at nanonood ka lang eh isinali ka na sa laro ng mga kupal na batikang manlalaro. akala mo, safe ka dahil wala kang pakialam, hindi mo akalaing darating ang araw na ikaw na pala ang taya.

no choice, sumali ang donna.. nakipaglaro.. nadaya.. nagulangan.. nandaya.. nanggulang.. naging isa sa mga pinaka-kupal na manlalaro.. naglaro.

ngayon, nagkakaroon ng mga panibagong patakaran.. may nagbabalik trono, nagbabalik sa dating hindi mabitiwan na kapangyarihan, kalaro ang ngayo’y mga nasa posisyon kasama ang mga dati at orihinal na kaalyado.

wala na si donna sa pook palaruan. malayo na sya. hindi na sya kasali.

*hindi lang nya lubos na maunawaan kung bakit yung mga inabutang mga manlalaro eh, nandoon pa din at patuloy na naglalaro.. kaya isinigaw na lang nya sa facebook ang kayang saloobin ukol sa isyung ito :

donna says : tila hindi mo|ninyo napulot ang aral na ipinaiintindi ng nakapalibot na kalikasan, nababalot ka|kayo ng di matatawarang kaplastikan para sa isa’t-isa. mapalad ako at hindi na ako isa sa inyong mga alay. maraming salamat, tuluyan akong namulat. :|

ngayon.. oo, ngayon lang, ngayon lang nya bibitawan ang lahat ng may kaugnayan sa ma-iba.. TAYA! – adult version – kasi, masyado na syang maraming nainom na beer at nakain na bighead.

isa pa, nasa gobyerno na sya, tama na ang politika sa opisina, wag nang haluan ng kaplastikan ang pakikipagkaibigan.

huwag paginteresan ang may karelasyon na..

Posted in Uncategorized on 03/12/2009 by zoyks

enough said.

swaktong sakli ampf.

Posted in Uncategorized na may mga marka , on 30/11/2009 by zoyks

resulta ng pagkabagot at stress sa cellphone eh nag-take ng quiz sa facebook si donna matapos malaman ang kanyang horoscope para bukas. narito ang mga swaktong sakling mga resulta.

Your view on yourself:
You are down-to-earth and people like you because you are so straightforward. You are an efficient problem solver because you will listen to both sides of an argument before making a decision that usually appeals to both parties.

The type of girlfriend/boyfriend you are looking for:

You like serious, smart and determined people. You don’t judge a book by its cover, so good-looking people aren’t necessarily your style. This makes you an attractive person in many people’s eyes.

Your readiness to commit to a relationship:

You are ready to commit as soon as you meet the right person. And you believe you will pretty much know as soon as you might that person.

The seriousness of your love:

You like to flirt and behave seductively. The opposite sex finds this very attractive, and that’s why you’ll always have admirers hanging off your arms. But how serious are you about choosing someone to be in a relationship with?

Your views on education:

Education is less important than the real world out there, away from the classroom. Deep inside you want to start working, earning money and living on your own.

The right job for you:
You’re a practical person and will choose a secure job with a steady income. Knowing what you like to do is important. Find a regular job doing just that and you’ll be set for life.

How do you view success:
You are afraid of failure and scared to have a go at the career you would like to have in case you don’t succeed. Don’t give up when you haven’t yet even started! Be courageous.

What are you most afraid of:

You are afraid of having no one to rely on in times of trouble. You don’t ever want to be unable to take care of yourself. Independence is important to you.

Who is your true self:

You are full of energy and confidence. You are unpredictable, with moods changing as quickly as an ocean. You might occasionally be calm and still, but never for long.

weirdest

Posted in Uncategorized na may mga marka , , , , , , , , , , , , on 22/11/2009 by zoyks

whuahaha

walang paglagyan yung tawa ng pamilya ni donna kagabi.. eh pano ba naman, yung nagpupumilit na umiirog sa kanya na nabanggit sa last post eh akalain mong sumulpot na naman kagabi dito sa tanag. muntik na nyang mapasukan ang diosa na naka-duster. at naka salampak sa sahig kung saan nakabaon sa lintek na towel cakes. mabuti na lang at mabilis na nakagapang ang diosa papunta sa kwarto ni mommyreyna para kahit papaano eh makapagbihis kahit walang ligo-ligo.

korek. second time na sya hinarap ng diosa na walang ligo-ligo. oye.

pero bago ‘tong kwento kagabi.. yung nangyari muna nung isang gabi.. beerday ng officemate at kaibigan ng pamilyang si ian. ipinagpaalam ng mag-asawa si donna kay mommyreyna bandang alas-syete ng gabi, sinundo para mag-inom bandang alas-otso y medya. ayon.

ending, nasusog ang diosa ng malupit na manliligaw sa bahay nila ian. inpeyrnes, may bitbit syang dalawang order ng sisig.. oha, di na din nakakahiyang mag-gate crash ng party kung may bitbit ka di ba? pero, iba ka, tawiwit. whuahahaha!! ang lupit mo maghanap!! di kaya dati kang taga-post office?!

nakakaloka na hindi sya natinag ng mga nakaharap na tambay, na tropa ni ian at tropa na din ni donna na nagtalaga sa mga sarili nila na sya ay kanilang tungkuling dapat alagaan kahit sobrang sexy naman nya na nakilala nya don at nakuha pa nya talagang sumulpot dito sa tanag kagabi!

oye. *hindi din instant ang asim ng diosa, ate vie.. si tata lang ang instant! :P

heto na yung kagabi.. eh di sumulpot nga.. ayaw na sanang harapin ni donna ng matagal, eh tukso namang bumuhos ang ambom.. aun, nahirapan syang pauwiin. nung ebentyuwali eh nakakuha ng bwelo si donna na maipagtabuyan ang makulit na si tawiwit, pinagpaalam na nya ito kay mommyreyna. heto ang naging palitan ng mga salita :

diosa : my, uwi na si wiwit..
tawiwit : ay, sige po, pinapauwi na po ako ni donna eh..
mommyreyna : ay ganon?! *smile
tawiwit : opo eh.. *medyo sad face
mommyreyna : eh taga-saan ka ba? *heto na..
tawiwit : jan lang po sa may dela chuchu *two steps atras
mommyreyna : anong apelyido mo?
tawiwit : marqs po.. *atras-abante na.
mommyreyna : sinong tatay mo? *chismosa, my?
tawiwit : si $%^&& po..
mommyreyna : anak ka ni %^? kaklasmeyt ko ang nanay mo.. sabihin mo si tita annie..
tawiwit : talaga po? *medyo smile pa..
mommyreyna : ho-o!
tawiwit : *smile lang
mommyreyna : teka, apo ka ba ng $%^?
tawiwit : $%^? opo.
mommyreyna : eh kamag-anak ka namin!
tawiwit : po?! *laglag panga, kamot ulo
donna : BWUAHAHAHAHAHA
mommyreyna : ay ho-o at yung eclavoo eh echoos ng chenelyn ko.
tawiwit : ay talaga po..? *namumutla na..
mommyreyna : sige at itanong mo sa tatay at nanay mo. *tumodo na si mommyreyna.
tawiwit : sige po.. *abante madaming steps, diretso sa hagdan at sa gate
mommyreyna : o sige, ingat ka pagda-drive *pasok sa loob ng bahay
tawiwit harap kay donna : pinsan, uwi na ko! *kamot ulo
donna : o sige, ingat ha! *ngiting aso.
pogingjello sa loob ng bahay : BWUAHAHAHAHAHAHAHA

txt ni wiwit pagkalipas ng ilang minuto : buti na lang binasted mo ‘ko, magkamag-anak pala tayo,,
reply ni donna : whauahahahahaha kulit mo eh!

walang paglagyan ng halakhak to the point na nagkakangu-ubo na sa katatawa pati si amanghari nung ebentyuwali eh ikwento sa kanya ni mommyreyna ang mga pangyayari. naiimadyin na din ni donna si tata habang binabasa ‘tong post na ito. whuahahaha!!

weird to weirder

Posted in Uncategorized na may mga marka , , , , , on 19/11/2009 by zoyks

now this is weird,
sobrang weird na hindi maproseso ng utak ni donna.

overview :
diosa started working two months ago. in more or less half of that, someone got interested masisissi nyo ba ang diosa?! : diosa nga eh! na wala lang. as in wala lang sa kanya.. shit, old shit lang yon sa kanya, wala! like, ano ba.. can’t you befriend someone who thinks you’re “something”? geez,she doesn’t even want to have a syota much less a boyfriend. ANO BA!! it’s like SUPER EEEWWW. how many times does she have to tell everyone that she don’t need a man (as of now *disclaimer alert), that she doesn’t see herself romantically involve with someone. but don’t get her wrong.. she dates. ano?! further ado pa ba?

okay, so ayon nga, may nagpakita ng interes, well, for those who knew donna, they would definitely understand that she is merely having fun and making friends. nothing more, nothing less bit of kilig won’t hurt : pampahaba ng buhok.. HELLO! there is nothing to it. damn it.

here goes.
she went out with this guy para manood ng live streaming ng boxing sa sosyal na sosyal na ynares. both of them wearing pambahay outfits, walang ligo-ligo, come and go pa sila sa ynares. they didn’t even have a bite. pagdating don laban na.. right after, uwi na. walang masyadong usap-usap. nood lang.

and then the afternoon breaks sa office. you see, there are 10mins breaks na pwede mong gugulin sa labas para maiba-iba naman yung view mo sa loob ng opisina, pwede kang mag-coke sa labas.. the likes. yeah, they’ve been seen together – but, so what? they are not doin’ anything aside from smoking. it’s not like they’re having an affair or something to that effect. isa pa, magkaganonman (rebellion na ito) walang syang makitang masama kasi, wala silang sabit pareho. BOTH. UNATTACHED.

but then again, let’s try to see things from other’s point of view na aminin na ring may malaking-malaking point.
: ang organisasyong pinapasukan ng diosa ay mapanghusga, malisyoso, bobo.
: tanong, kaya mo ba ang eskandalo? *with this, hindi talaga abot ng isip ni donna kung anong klaseng eskandalo yung pwede.. what, that if the ‘relationship’ (if ever) goes south she’ll be branded as the guys girl? that they had sex before? that she’s easy ‘coz she went out with the guy she barely even know?

**how would you know someone if you don’t get to talk to them or be with them? it’ll be like first impressions-ALWAYS**

that.. what else?! wala talagang maisip ang donna na pwede.. and she is trying her damnest to rationalize this ‘coz she don’t want to be unfair or anything. she doesn’t want to be treated that way.
:

weirder :
: nakikinig si donna.
: naa-amuse si donna.
: natatawa si donna.
: she is not scared.
: donna is taking everything into consideration but it gets funny everytime she sits and think this through ‘coz it was like seeing a shrink who thinks you’re sick just to pshyco-analyze her.
: she still want to go out with him irregardless of what might happen.. she is her own person and won’t be sway of what others might think of her. she knows herself well. she’ll do as she damn well pleases. no regrets. she is not the type to be orderred. and Higher Up knows she is not doing anything wrong.
: that if she screws up, she screws up alone.

jesus christ, donna don’t want complications.. not in any form!
goddamnit.

hello, boredom

Posted in Uncategorized na may mga marka , , , on 16/11/2009 by zoyks

tae.

lunes. oras ng trabaho, walang magawa si donna.

dahil sa napasobrang pagpapasikat eh bonggang-bonggang updated ang gaga sa kanyang trabaho, at dahil sa tinatamad gumana ang vintage na printer ng opisina eh wala talaga siyang magawa.

ewan.
nandito sya ngayon sa katapat na opisina kung saan may connection ng internet kaya eto.. wordpress na lang ang inaatupag. some government employee.. deym!

bagot na bagot na talaga sya. kung pwede nga lang umuwi na lang ng bahay at manood ng brothers and sisters series o prisonbreak ni wentworth miller kahit pa ba napapabalitang bading sya eh mas katanggap-tanggap kesa naman nandito nga sya sa opisina eh tunay namang isinasabuhay nya ang kahulugan ng salitang pagtambay at petiks. ‘wulangyang buhay ‘to..

kasi naman, hindi sya pwedeng sisihin dahil tapos na ang trabaho nya.. WALA NA TALAGANG PWEDENG GAWIN. katunayn, nagpart-time na nga sya sa kabilang opisina para lang bumilis-bilis ang oras nya.. eh, ayon, tapos na din yon.. kaya eto, tambay na ulit.

mabuti na lang at umalis ang may-ari ng computer ng ito kasama ang kanyang partner in crime na parehong bampopogi ayon sa kanilang mga asawa na ewan kung anong mata ang meron o kung nakatikim na ba ng pamosong kalabasa pampalinaw ng paningin.. kaya naka-upo at matapos magfacebook eh heto at wordpress naman ang pinagkakaabalahan ‘wulangyang buhay ‘to..

alas-kwatro pa lang.. apat na oras na yata paikot-ikot si donna sa tatlong tanggapan ng kagawaran ng pananalapi sa antipolo city hall.. wag nyo akong husgahan, tapos na ang trabaho ko!! whuahahahahaha!!!

ang malupit pa nito, kaiikot ni donna eh ipinakita na sa kanya ni mimo/meemow/mheeeemhooow/tita mers ang partial listahan ng mga makakatanggap ng bonus kaagapay ang karampatang halaga na kanilang matatanggap.. at kagulat-gulat pa rin, kahit inaasahan ni donnang pro-rated ang matatanggap kaya maliit, na ito ay sa halagang tumataginting na limandaang piso!!

opo.
P500
tang-ina di ba! whuahahahaha!!

ayos lang.. buti nga meron eh.. :P

eh kung nakatambay pa din sya, tingin ba nya eh makakapulot sya ng P500?! HINDI!